Home NATIONWIDE Tungkulin ng LGU, national gov’t tukuying mabuti – PBBM

Tungkulin ng LGU, national gov’t tukuying mabuti – PBBM

387
0

MANILA, Philippines – MULING inulit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangangailangan na malaman ang tungkulin at gampanin na para lamang sa local government units (LGUs).

Sa League of Provinces of the Philippines 4th General Assembly sa Pampanga, sinabi ni Pangulong Marcos na kasalukuyan ng dinedetermina ng kanyang administrasyon ang tungkulin ng  local government na hiwalay o iba sa papel ng national government.

Sinabi nito na nais ng karagdagang pondo para sa  LGUs, lalo na sa mga “highly dependent” sa internal revenue allotment (IRA).

“What we are in the middle of doing now is identifying ano ba talaga ang functions ng nasa local, ano talaga ang functions na dapat nasa national government. That’s the service, ‘yun ‘yung service-based doon sa pagpili ng function,” ayon kay Pangulong Marcos.

“After identifying the functions that we feel belong to the national government, identifying the function that we feel belong to the local government… the… again to go back to the original concept was that mabigyan natin ng extra funding ang mga local governments because simply pag nakita ninyo, siguro ‘yung mga highly-dependent lalo na… highly-dependent sa IRA, sa IRA mga 70%, 80% ng budget, lalo na ‘yung mga ganon,” aniya pa rin.

Buwan ng Pebrero nang ihayag ni Pangulong Marcos na seryosong pinag-aaralan ng national government ang Executive Order No. 138.

Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa general assembly ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Manila Hotel.

“Gagamitin ngayon namin itong one year na ito para pag-aralan nang mabuti ‘yung 138. Tingnan natin na siguro may mga function kasi na ibinibigay sa local, hindi naman dapat sa local talaga,” ani Marcos.

“And so that’s what we are examining, asahan ninyo as I said that we are taking very seriously the issues that have come out from the Mandanas ruling and how we will implement it because hopefully by next year, by ’24 mag-i-improve na ang ating koleksiyon kasi sa 2021, medyo maganda-ganda, medyo umaahon na ‘yung ekonomiya, baka mayroon naman talaga tayong makuha,” dagdag ng Pangulo.

Ang EO No. 138 ay naglalayong magkaroon ng decentralization ng kapangyarihan sa pamamagitan ng devolution o paglilipat ng ilang mga tungkulin ng national government sa local government units (LGUs).

Inilarawan ng Pangulo ang pagpapatupad ng Mandanas ruling bilang isa sa “most significant issues” na kinakaharap ng gobyerno.

“I’m sure everybody is aware of that and iniisip kung ano ba ang talagang nangyayari,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Ang nangyari dito is nagkaroon tayo ng executive order, ‘yung EO 138 that defines the different functions of government and local government.

Dahil ang nasa likod niyan ay ang sinasabi lalaki ang pondo ng municipal government, ng provincial government, ng city government dahil nga nabago ‘yung interpretasyon doon sa sharing,” pahayag ni Marcos.

Ayon sa Pangulo, maraming isyu sa local government operations na kailangang tingnan, at “we have to coordinate and to synchronize all that we are doing at the local level with what we are planning to do at the national level.” Kris Jose

Previous articleDefense capability, mas palalakasin ng surface-to-air missile system – PBBM
Next articleFull insurance sa magsasaka sa oras ng kalamidad, isinulong ni Bong Go

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here