Home NATIONWIDE Turismo sa Dinagat Islands target pasiglahin ni PBBM

Turismo sa Dinagat Islands target pasiglahin ni PBBM

MANILA, Philippine- Tinitingnan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-develop ang turismo sa Dinagat Islands sa gitna ng nagpapatuloy na pagsisikap na ayusin ang lalawigan mula sa pinsala at pagkawasak dahil sa bagyong Odette.

Ito’y matapos pangunahan ni Pangulong  Marcos ang pamamahagi ng bigas sa San Jose, Dinagat Islands, kilala sa pagiging “malinis na beach” sa bansa.

“Kaya’t hindi lamang ang pag-recover ng mga nasira, mga building na kagaya nito at ‘yung mga nakikita natin na nasira noong Typhoon Odette, kung hindi mayroon na tayong plano para sa tourism industry ng Dinagat,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang talumpati.

Tiniyak naman ng Chief Executive sa mga lokal na ang lalawigan ay kabilang sa “connectivity efforts” ng gobyerno, kasama na rito ang pagtatatag ng mga paliparan at paggamit ng seaports para payagan ang mabilis na access ng ‘local at foreign tourists’ sa lugar.

“Dinagat, medyo isolated nang konti kaya’t kailangan natin gawan ng paraan para unang-una maganda ‘yung sa airport, ‘yun ang pinaka-madali,” ani Pangulong Marcos.

“Pangalawa, ‘yung Ro-Ro, lahat ng nalagyan ng Ro-Ro nagamit nang husto ‘yan. Kaya’t malaking bagay, mas madali nang pumunta sa Surigao, hindi na po kayo masyadong nahihirapan,” dagdag na wika nito.

Samantala, sa isa pang event, pinuri ni Pangulong Marcos ang mga lokal na opisyal at residente ng Siargao Island para sa kanilang “pagiging matatag, pagkakaisa at lakas” nang taaman ng bagyong Odette ang isla noong Disyembre 2021.

“I also want to congratulate ang mga local government officials sa inyong pagbangon mula sa naging damage, naging kamatayan dahil [sa] pagdaan ng Typhoon Odette,” pahayag ng Punong Ehekutibo.

Masaya aniya siya na makita ang  Siargao Island na unti-unti na aniya ngayong bumabalik sa normal na kalagayan. Kris Jose

Previous articleTourist arrivals  sa Pinas, lampas 4M na!
Next articleJiro Manio, co-facilitator na sa rehab center!