Home NATIONWIDE Turkey-Syria quake, idineklarang grade three emergency ng WHO

Turkey-Syria quake, idineklarang grade three emergency ng WHO

110
0

LONDON – Idineklara ng World Health Organization (WHO) ang nangyaring lindol sa Türkiye at Syria bilang isang “grade three emergency” – na may “critical 48-hour window” upang iligtas ang mga taong nakulong.

Sinabi ni WHO Regional Director Hans Kluge sa Sky News na ibinibigay nila ang lahat ng resources sa dalawang bansang ito, na nagsasabing ang “pangunahing isyu ngayon ay Search and rescue.”

Sinabi naman ni WHO spokesperson Margaret Harris na ang lawak ng mga pagkalugi mula sa dalawang bansa ay hindi malalaman sa “medyo matagal na panahon.”

Sa pinakahuling bilang nasa higit 11,000 na ang nasawi at higit 50,000 naman ang sugatan mula sa lindol.

Ang magnitude 7.7 at 7.6 na lindol, na nakasentro sa lalawigan ng Kahramanmaras, ay tumama sa 10 lalawigan at nakaapekto sa mahigit 13 milyong tao. RNT

Previous articleMag-asawa sa Isabela tigok sa agawan-granada
Next articleHerlene, sumubsob, ‘pumutok’ ang boobs!