Home NATIONWIDE ‘Tuta’ ni Romualdez binatikos sa Senado sa pagtawag sa RBH6 na ‘unconstitutional’

‘Tuta’ ni Romualdez binatikos sa Senado sa pagtawag sa RBH6 na ‘unconstitutional’

MANILA, Philippines- Matinding binatikos ng ilang senador ang tinaguriang “tuta” ni House Speaker Martin Romualdez sa patuloy na pagbatikos sa Senado hinggil sa Resolution of Both Houses No. 6, na naglalayong ameyndahan ang economic provisions ng Saligang Batas bilang “unconstitutional” sa panukalang hiwalay na botohan.

Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi nina Senador Jinggoy Estrada at Sherwin Gatchailan na hindi inimbento ng Senado ang mga salitang “voting separately” dahil nakatakda ito sa Saligang Batas.

Kamakailan, inihayag ni House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., pangunahing kaalyado ni Romualdez sa pagsusulong ng “pekeng” people’s initiative, na labag sa Saligang Batas ang pagboto ng hiwalay sa pag-amyenda ng karta.

“Those four words ‘each House voting separately’ are not in the Constitution. Our colleagues in the Senate cannot and should not insist on that language… I am not a lawyer, but that is unconstitutional,” ayon kay Gonzales.

Naghain ang kaalyado ni Romualdez ng hiwalay na panukala na halos katulad n bersyon ng Senado kung gusto nilang bomoto nang sabay.

Pero hindi ito pinalampas ni Estrada saka binanggit ang “Article XVII, Section 1 of the Constitution, which states that “any amendment to, or revision of, this Constitution may be proposed by: (1) The Congress, upon a vote of three-fourths of all its Members; or (2) A constitutional convention.”

“Kapag sinabi mong Congress, there are both Houses, there are two Houses. House of the Senate, and House of Representatives. Okay?” ayon kay Estrada.

“Pag joint voting eh 24 lang kami. Eh talagang, kakainin kami ng buhay ng mga congressman,” dagdag niya.

Ibinasura rin ni Gatchalian ang alegasyon ng Kamara sa sinasabing inimbento nito ang salitang “voting separately” sa RBH6.

“Hindi ito imbento kasi very clear in the first hearing (on RBH6), si (Supreme Court) Justice Vicente Mendoza, sinabi nya na ang intention talaga is bicameral… it might not be there in words, but the intention is to vote through a bicameral system. So, that’s why nilagay ng Senado yan,” ayon kay Gatchalian.

Aniya, kahit framers ng 1987 Constitution sa ginanap na pagdinig na sumang-ayon si Mendoza.

Kaya hiniling ni Gatchalian sa Kamara na huwag gumawa ng isyu dahil nalinaw na ang lahat.

“Ang objective is ma-amend yung economic provisions. Any modality. So dapat hindi na natin gawing kumplikado pa. Dahil kung gagawin nating kumplikado paga-awayan natin yung modality, hindi natin maa-achieve yung amendments to economic provisions,” giit ng senador.

“Nagsabi na yung Pangulo na Senate yung mangunguna eh… yan na yung direksyon ng ating Pangulo. Alam din natin na kailangan natin ang Pangulo tungkol dito kaya importantentg magkasundo ang lahat,” patuloy niya.

“I don’t think we should complicate the matters dahil na-settle na ito ng ating Pangulo,” dagdag ni Gatchalian. Ernie Reyes

Previous articleJanice, nag-throwback sa pagso-sorry nina Sharon at Gabby!
Next article‘Record-high’ Pinoy tourists bumisita sa Japan