Home Uncategorized Tututok sa seniors itatalaga ni Herbosa sa DOH

Tututok sa seniors itatalaga ni Herbosa sa DOH

Nangako si Health Secretary Teodoro “Ted” Herbosa na magtatalaga ng focal person sa loob ng Department of Health (DOH) na tututukan ang paghawak sa kapakanan ng mga senior citizen sa bansa.

Sinabi ng kalihim na isa ito sa kanyang mga priority reform na ipapatupad batay sa mungkahi ni Senador Francis Tolentino sa pangangailangang magtalaga ng focal person kung isasaalang-alang na ang “senior citizens ay mga may mas mataas na morbidity.”

Ginawa ni Tolentino ang mungkahi sa kanyang lingguhang programa sa radyo kung saan panauhin si Hernosa .

Noong Pebrero , naghain ng Senate Bill 1799 o proposed “Comprehensive Senior Citizen Welfare Act.’’ ang senador .

Sa ilalim ng panukala, ang DOH sa koordinasyon ng LGUs , non-government organizations (NGOs) at people’s organization (POs) for senior citizens, ay dapat magtatag ng pambansang programang pangkalusugan at dapat magkaloob ng pinagsamang serbisyong pangkalusugan para sa mga matatanda.

Ipinaliwanag ni Tolentino na dapat may nakatakagang official in-charge sa loob ng hierarchy ng DOH na tutugon lamang sa kalusugan at kapakanan ng mga Pilipino na nasa edad 60 pataas upang masiguro ang kanilang kagalingan, isinasaalang-alang ang iba’t ibang morbidity/comorbidity na maaaring mangyari sa panahon ng kanilang buhay .

Aminado naman si Herbosa, sa kasalukuyan ay walang namumuno pagdating sa pag-aasikaso ng mga senior citizen base sa organizational chart ng DOH, ngunit sinang-ayunan ng dating National Task Force adviser ang mungkahi ni Tolentino na dapat magkaroon ng focal person sa bagay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleAfghan refugees sa Pinas oks sa solon
Next articleHalos 25K mangingisda sapul ng OrMin oil spill