Home OPINION TUWA NG DOKTOR AT ATAKE SA PUSO

TUWA NG DOKTOR AT ATAKE SA PUSO

MAGKASUNOD na naglakad patungo kay Lord ang dalawang kasamahan natin sa diaryong Remate.

Sina Bladimer Usi, ng Bulacan at Batangas, at Boysan Buenaventura, ng Malabon City.

Cartoonist si Bladimer habang correspondent si Boysan.

Idinaan sa atake sa puso ang pagpanaw ng dalawa at biglaan.

Noong nakaraang linggo inilibing si Bladimer at wala pang tiyak na petsa kung kailan naman si Boysan.

Paalam  sa inyong dalawa at salamat sa matagal nating pagsasama-sama sa ilang dekada sa peryodismo at malayang pamamahayag.

Pero ano ba ang atake sa puso?

Walang mayaman o mahirap sa sakit na ito.

Noong 2022, nasa 123,000 ang namatay sa atake sa puso sa ating bansa at ito ang nangungunang dahilan ng kamatayan ng mga Pinoy sa ilang taon nang nagdaan.

Mas marami pa ang namamatay sa sakit sa puso sa taong 2022 kumpara sa 66,856 namatay sa tatlong taong paghahari-harian ng Covid-19.

Ganyang katindi ang sakit sa puso.

Paano nga pala hinaharap ng mga Pinoy ang atake sa puso?

Kapag sumasakit ang kanilang dibdib o sikmura at pinaniniwalaan nilang sakit sa puso ang kanilang nararamdaman, takot silang magpatsek-ap.

Ang dahilan?

Lalo silang mapapadali sa biyaheng langit kung magpakonsulta sila sa doktor.

Napakamahal kasi ang bayarin at minimum ang P600,000 sa operasyon dito.

Paano naging P600,000 hanggang P800,000 o milyon sa mga mamahaling ospital?

Karaniwang apat doktor ang magtutulong-tulong sa operasyon at P100,000 ang singil ng bawat isa.

Paano ka hindi aatakehin sa puso at mamamatay sa ganyang sistema, huh?

Ke mamatay ka o hindi ang pasyente, doctors are laughing on their way to the bank!

Magkakaroon man ng specialty hospital sa mga rehiyon ng Pinas, kapag ganyang ang gamutan sa sakit sa puso, magiging number one killer disease pa rin ang atake sa puso.

Senator Bong Go, anong masasabi n’yo?

Previous articleIMPORTED AGRI-PRODUCTS VS LOCAL FARMERS
Next articleAmihan, easterlies magpapaulan sa Luzon, natitirang bahagi ng PH