Home NATIONWIDE TV sa lobby ng mga istasyon ng pulis sa Metro Manila, bawal...

TV sa lobby ng mga istasyon ng pulis sa Metro Manila, bawal na – NCRPO

294
0

MANILA, Philippines – Ipagbabawal na ang paglalagay ng telebisyon sa lobby ng mga istasyon ng pulis sa Metro Manila.

Ito ay upang masiguro umanong mabibigyan ng maayos na atensyon ng mga pulis ang mga dumudulog sa himpilan.

Ani Police Maj. Gen. Edgar Alan Okubo, maliban sa pagbabawal sa telebisyon sa mga himpilan ng pulis, ipinagbawal din niya ang paggamit ng cellphone sa pagpapadala ng text message o pag-check sa kanilang social media accounts habang naka-duty.

“Nag-conduct kami ng study at discreet lang ito, na pinamunuan ng aming Regional Intelligence Division. Nung papasok yung tinatawag naming discreet personnel to ask assistance dun sa mga desk officers, medyo hindi naasikaso dahil nakatingin yung mga desk officer namin sa telebisyon, ayaw paistorbo,” pahayag ni Okubo.

“Kaya nagkakaroon ng maling assessment at pagtanggap sa mga customers namin. Kaya pinatanggal muna namin (yung mga telebisyon) dahil sa study namin na ginawang iyon,” dagdag pa niya.

Nilinaw naman ni Okubo na makakapanood pa rin ng telebisyon ang mga pulis ngunit sa kitchen area lamang ng himpilan.

Kaugnay sa naturang kampanya at polisiya, itinalaga ang mga babaeng pulis sa front desks ng mga istasyon.

“Naniniwala kami na ang aming mga kababaihang pulis ay may pasensya, the capability to listen to complaints, amiable, and of course, more compassionate, para mas magustuhan ng ating mga customers yung pagpasok sa istayson dahil mabait at mas nagbibigay ng assistance yung mga female officers namin,” sinabi pa ni Okubo.

“Minsan, napansin n’yo, minsan sa isang grupo ng kapulisan, halos nakatungo lahat, (at) 360 (degrees), ‘di sila aware sa nangyari. Delikado yun sa naka-deploy,” dagdag pa niya.

‘Kaya sinabi namin na sabihan ang inyong pamilya na ‘pag kayo ay naka-duty, expect na hindi niyo masasagot yung mga text nila dapat dapat aware kayo sa 360 (degrees ng) areas ng inyong AOR at hindi palaging nakatungo,” pagtatapos ni Okubo. RNT/JGC

Previous articleTotal deployment ban sa Kuwait ‘di sinang-ayunan ni PBBM
Next articlePanukalang charter change, nabaon na sa limot – Padilla

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here