Sinabi ni Elon Musk ngayong Linggo na target niyang baguhin ang logo ng Twitter.
Sa isang Tweet, sinabi niya na: “And soon we shall bid adieu to the twitter brand and, gradually, all the birds”.
Giit pa ni Musk na matagal na dapat umanong napalitan ang logo.
Sa website ng Twitter, nakasaad dito na ang logo nito, na naglalarawan ng isang asul na ibon, ay “our most recognizable asset”. “That’s why we’re so protective of it,”
Pansamantalang pinalitan ang ibon noong Abril ng asong Shiba Inu ng Dogecoin, na tumutulong sa pagpapataas ng halaga sa pamilihan ng meme coin. RNT