Home LIFESTYLE Twitter tatapatan ng Meta

Twitter tatapatan ng Meta

UNITED STATES – Planong tapatan ng Meta Platforms ang Twitter sa pamamagitan ng paglulunsad ng microblogging app na Threads.

Ito ay makalipas na batikusin ang pinuno ng Twitter na si Elon Musk nang ianunsyo nitong lilimitahan na ang dami ng mga post na mababasa ng mga users sa social media site.

Inaasahang ilalabas ang Threads sa Huwebes, Hulyo 6, na magbibigay ng pagkakataon sa mga user na panatilihin ang mga follower mula sa photo-sharing platform na Instagram, at pananatilihin din ang username.

Magsisilbing hamon ito sa Twitter, na matatandaang naharap sa kabi-kabilang kontrobersiya mula nang bilhin ni Musk ang kompanya sa halagang $44 bilyon noong 2022.

“Threads is going to pose a huge threat to Twitter because it’s coming from the Meta and Instagram family of apps,” sinabi ni Drew Benvie, CEO ng social media consultancy na Battenhall.

“Instagram has 2 billion users compared to around 250 million of Twitter, so it’s about ten times bigger already. If only one-in-ten Instagram users tries using Threads, it will overtake Twitter in the blink of an eye.” RNT/JGC

Previous articleWorld’s hottest day ever, naitala!
Next articleWarehouse sa Taguig tinupok ng sunog, pinsala umabot sa P12M

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here