MANILA, Philippines – Posibleng maabot ng Tropical Depression Chedeng ang typhoon category nito sa mga susunod na araw, ayon sa PAGASA.
“This tropical cyclone may reach typhoon category by Thursday and reach its peak intensity during the weekend while over the Philippine Sea east of Northern Luzon,” ayon sa abiso ng ahensya nitong Martes ng umaga, Hunyo 6.
Dahil dito, nagpaalala na ang PAGASA sa publiko at disaster risk reduction and management offices na paghandaan na ito upang maiwasan ang mas malaking pinsala sa buhay at ari-arian.
Dapat din na sumunod na sa evacuation at iba pang abiso sa mga lokal na opisyal ang mga residente ng hazard prone areas.
Sa kasalukuyan ay wala pa namang nakataas na babala ng bagyo, ayon sa PAGASA.
“Owing to favorable environmental conditions, Chedeng is forecast to intensity in the next 4 days and may be upgraded to tropical storm category by tomorrow.”
Sa 11 a.m. advisory, huling namataan ang bagyong Chedeng sa layong 1,170 kilometro silangan ng Central Luzon taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometro kada oras at pagbugso na 55 kilometro kada oras.
Hindi halos gumagalaw ang tropical depression sa kasalukuyan. RNT/JGC