MANILA, Philippines – Nagbabanta na sa US territory na Guam ang Bagyong Mawar, bagyong inaasahang papasok din sa Philippine Area of Responsibility sa mga susunod na araw.
Sa huling impormasyon, huling namataan ang Bagyong Mawar 500 kilometro mula sa Hagatna, kabisera ng isla kung saan mayroon itong 170,000 residente, ayon sa US Joint Typhoon Warning Center.
“Heavy rainfall is likely to develop tonight through the next few days. Rainfall amounts of 8 to 15 inches are possible with locally higher amounts. A slowing forward speed could lead to much higher rainfall totals,” sinabi ng Guam Joint Information Center.
“Mawar is a real threat and a possible direct hit to our island,” sinabi naman ni governor Lou Leon Guerrero ng nasabing bansa.
“It’s been quite some time since we’ve had a storm of this magnitude and it is frightening. I ask you to remain calm. Stay informed. And most importantly, be prepared.”
Hinimok naman ng mga awtoridad ang mga tao na mag-imbak ng makakain, inumin, gamot at first aid supplies.
Hanggang sa kasalukuyan, nasa 30 flight na mula o patungong Guam ang kanselado ayon sa A.B. Won Pat international airport sa nasabing bansa. RNT/JGC