Home ENTERTAINMENT Uge, inalmahan ang balitang tegi na!

Uge, inalmahan ang balitang tegi na!

539
0

Manila, Philippines – Parami nang parami at pahaba nang pahaba ang talaan ng mga artistang nababalitang sumakabilang-buhay.

The latest to have reportedly crossed the Great Divide ay si Eugene Domingo.

Kumalat ang tsika sa social media makaraang mai-release sa Meta page, isang online site.

Good thing, agad inalmahan at pinabulaanan mismo ni Uge ang naturang fake news.

Kung sisipatin kasi ang balita’y iisipin mong may credence ito lalo pa’t may mga netizens na agad nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa mga naulila ng komedyana.

Payo ni Uge, maging mapanuri raw ang mga netizens bago maniwala sa mga balitang natitisod nila sa social media.

One way raw is to check the source of the news.

Kahit naman mga legit media outlets are cautious with their reportage as they cannot just release such news unless verified by the family of the person reported to have died.

Sa kabila ng pagiging komedyante, what makes Uge more worried about the fake news ay ang pag-aalala ng kanyang mga mahal sa buhay.

It’s her loved ones who the Kapuso comedienne has in mind.

Kapaniwalaan sa showbiz that whoever falls victim to death hoax ay siya pang hahaba ang buhay.

As for Eugene, wala raw siyang maaalala na ginawan niya ng atraso para ipamalitang tegi na siya.

Kung napanood nga naman siya sa latest episode ng All Out Sunday, she was bursting with energy.

Hindi rin naman daw siya nabalitang may sakit man lang, kaya paanong naging OA ang balita to the point na pumanaw na siva? Ronnie Carrasco III

Previous articlePantawid Pasada para sa middle class suportado ng mambabatas
Next articleUtang ng Pinas sa ibang bansa umakyat na sa $117.9B

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here