MANILA, Philippines – NAGPAHAYAG ng kahandaan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makatrabaho ang Australia at iba pang regional partners.
Tinukoy nito ang kahalagahan na palakasin ang partnership ng mga bansang kabilang sa Asia Pacific.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), binanggit ito ng Chief Executive sa courtesy call ni Australian Foreign Minister Penny Wong sa Palasyo ng Malakanyang.
Si Wong ay kasalukuyang nasa bansa para sa kanyang four-day official working visit.
“Now we have a situation where partnerships have become extremely important and it might be the key to maintaining the peace not only in the Asia Pacific but the Indo-Pacific region,” ayon kay Pangulong Marcos.
“And that I think is probably the key element in many of the relationships that we have not only between Australia and the Philippines but also of the countries around the Indo-Pacific region,” dagdag na wika nito.
Umaasa naman ang Pangulo na ang pagbisita ni Wong sa Pilipinas ay makapagpapalakas sa ugnayan sa Australia.
Aniya, dapat na ipagpatuloy ng dalawang bansa ang pagsisikap ng mga ito na panatilihin ang relasyon at alyansa bilang tugon sa mabilis na pagbabago ng geo-political situation.
Advertisement