Home NATIONWIDE UK nars hinatulang guilty sa pagpatay sa 7 sanggol sa neonatal unit

UK nars hinatulang guilty sa pagpatay sa 7 sanggol sa neonatal unit

LONDON – Hinatulang guilty ang nars na si Lucy Letby sa pagpatay sa pitong sanggol sa isang neonatal unit habang nagtatrabaho sa Countess of Chester Hospital sa hilagang-kanluran ng England, ayon sa pulisya.

Kasunod ng dalawang taong pagsisiyasat, inaresto ng Cheshire Police ang 33-taong-gulang na nars noong Hulyo 2018 sa kanyang tahanan at una siyang napalaya matapos na makapagpiyansa.

Tatlong beses pa siyang inaresto sa mga sumunod na taon bago kinasuhan noong Nobyembre 2020.

Nagsimula ang mga pagsisiyasat nang dumami ang at hindi maipaliwanag na pagkamatay ng mga premature na sanggol sa ospital na kanyang pinagtrabahuan bilang isang nars mula Hunyo 2015 hanggang Hunyo 2016.

Sa ulat ng pulisya, tinurkan umano ni Letby sa mga sanggol ng hangin at labis na gatas at nilason sila gamit ang insulin.

Pagkatapos ng serye ng mga bahagyang hatol sa loob ng ilang araw, nahatulan siya ng pagpatay sa pitong sanggol at pagtatangkang pumatay ng anim pang sanggol.

Nagsimula ang paglilitis noong Oktubre 2022, kung saan kinilala ng prosekusyon si Letby bilang isang “calculating and devious” opportunist na nag-gagaslight sa colleagues nito para mapagtakpan ang “murderous assaults”. RNT

Previous articleBudget, paggamit sa body cam susuriin ni Pimentel kasunod ng Jemboy Baltazar slay
Next articleConfidential, intel funds ng ilang ahensiya makatuwiran – Angara