Home NATIONWIDE UK-registered cargo ship inatake sa Yemen

UK-registered cargo ship inatake sa Yemen

YEMEN – Iniulat na “under attack” ngayon ang isang UK-registered cargo ship sa Bab al-Mandab Strait sa Yemen.

Ayon sa British maritime security firm na Ambrey nitong Linggo, Pebrero 18, iniulat ang pag-abandona ng mga crew sa barko malapit sa Yemen matapos ang pagsabog.

Anang Ambrey, ang Belize-flagged, UK-registered at Lebanese-operated open hatch general cargo ship ay iniulat na inatake sa Bab al-Mandab Strait.

Patungong Varna, Bulgaria mula sa Khor Fakkan, United Arab Emirates ang barko nang mangyari ang pag-atake.

“The partially laden vessel briefly slowed from 10 to six knots and deviated course, and contacted the Djiboutian Navy, before returning to her previous course and speed,” dagdag pa.

Sinabi ng United Kingdom Maritime Trade Operations (UKMTO) na nakatanggap sila ng ulat sa insidente at ang pagsabog ay nagresulta sa pagkasira ng naturang barko.

“Military authorities report crew have abandoned the vessel,” ayon sa UKMTO sabay-sabing ligtas ang lahat ng crew ng barko.

Matatandaan na makailang beses naglunsad ng drone at missile attacks ang Houthi group ng Yemen sa mga international commercial shipping sa Red Sea at Bab Al-Mandab Strait mula pa noong Nobyembre na simbolo umano ng pakikiisa sa mga Palestinians sa nagpapatuloy na Israel-Hamas war.

Nagresulta ito sa ilang kompanya na dumaan sa mas malayong ruta sa Afrida.

Wala pang komento ang Houthi sa pinakahuling pag-atake. RNT/JGC

Previous article6 sundalo, 2 suspected Maute members patay sa Lanao clash
Next articleTask Force, LGUs pakikilusin para sa El NiƱo