Home NATIONWIDE Ulat ng AFP sa humihinang NPA, pinasinungalingan ng CPP

Ulat ng AFP sa humihinang NPA, pinasinungalingan ng CPP

MANILA, Philippines – Pinasinungalingan ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang pinakahuling report ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa umano’y humihinang pwersa at bilang ng mga miyembro ng New People’s Army rebels.

“The AFP keeps on saying that the NPA is diminishing, but they can’t wipe them out,” pahayag ni Marco Valbuena, tagapagsalita ng CPP.

“They have a gunpowder mindset. The AFP thinks they can eliminate the NPA solely through their bombs and cannons, and by killing and intimidating the masses,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Valbuena na ilang taon na itong sinasabi ng AFP, “they sound like a broken record.”

Ang tugon niya ay ang pahayag ni Colonel Medel Aguilar, AFP spokesperson, na nasa 1,500 fighters na lamang ang NPA.

Binanggit din ni Aguilar na hindi na kayang maglunsad ng matitinding opensiba at pag-atake laban sa government forces ang kasalukuyang lakas ng NPA.

Sinabi rin niya na bagamat ang mga rebelde ay “still capable of mounting terror actions, we could see that generally, they could not conduct tactical offensives.”

Kasabay nito, sinupalpal ni Aguilar ang kasalukuyang tungkulin ng CPP Central Committee, sa pagsasabing “it has no control,” “weak and disorganized” at “no longer has leadership.”

“The CPP is not just one or a few people. As the CPP stated its task goes beyond the lifetime of any one person, and way beyond the capacity of a few people to perform,” giit ni Valbuena. RNT/JGC

Previous articleLisensya ng may-ari, drayber sa Mandaluyong SUV crash sinuspinde ng LTO
Next articleEO ni PBBM sa LGBTQ+ committee, isang ‘bold, welcome move’ – Abalos