Home NATIONWIDE Ulat ng COA sa P125M confidential fund na inilipat sa OVP ilalabas...

Ulat ng COA sa P125M confidential fund na inilipat sa OVP ilalabas sa Disyembre

MANILA, Philippines- Ilalabas ng Commission on Audit (COA) ang ulat nito sa 2022 transfer ng P125 milyon mula sa contingent fund Office of the President sa Office sa confidential fund ng Vice President sa Disyembre.

Inihayag ng COA ang commitment ayon kay Senator Sonny Angara, na dumepensa sa P13.539 bilyong panukalang budget ng komisyon para sa 2024 sa Senate plenary debates nitong Lunes.

Nagtanong si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ukol sa estado ng COA audit sa P125 milyong ibinigay sa OVP noong 2022 at ginunita na nangako ang state audit agency na tatapusin ang ulat sa November 15.

“The audit is still ongoing since apparently the Office of the Vice President submitted documents last 19th October, which are being processed by the commission, your honor,” wika ni Angara.

“They believe in one month, they will have completed it, your honor,” dagdag niya.

Inilahad ng COA, sa 2022 Annual Audit Report nito, na ang OVP ay mayroong P125 milyong confidential expenses noong nakaraang taon sa kabila ng hindi pagkakaroon ng appropriation para sa intelligence o confidential funds sa ilalim ng 2022 GAA.

Dahil dito, nais ng mga miyembro ng Makabayan bloc na ipaliwanag ni Vice President Sara Duterte ang pinagmulan ng P125 milyonh confidential fund na nakuha ng OVP got at ginastos noong nakaraang taon.

Matatandaang sinabi ni Duterte na planado na ng OVP ang mga kaganapan, aktibidad, at proyekto na saklaw ng confidential fund noon pa lamang August 2022—dalawang buwan matapos siyang manumpa bilang ika-15 Bise Presidente ng bansa.

Magugunita ring naghain ng petisyon noong Nobyembre sa Supreme Court na atasan ang OVP na ibalik ang P125 milyong confidential fund sa kaban ng gobyerno. RNT/SA

Previous article6 Pinoy kabilang sa mga inilikas na dayuhan mula sa kaguluhan sa Myanmar – Thai gov’t
Next articleAFP modernization program, sobrang delayed – solon