Home NATIONWIDE Ulat ng isa pang barko na kinubkob ng bandido, kinukumpirma pa ng...

Ulat ng isa pang barko na kinubkob ng bandido, kinukumpirma pa ng DMW

MANILA, Philippines – Kinukumpirma pa ang ulat ng isa pang barkong nauugnay sa Israel na may mga Filipino crew na sinakop sa Gulf of Aden nitong Linggo, sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Lunes, Nobyembre 27.

Ayon kay DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac, nakikipag-ugnayan na ang DMW sa manning agency upang malaman ang kumpletong detalye ng insidente pati ang kondisyon ng mga Filipino crew.

Tumanggi si Cacdac na ibunyag ang bilang ng mga Pinoy crew na sakay ng barko dahil biniberipika pa.

Sinakop ng mga hindi kilalang armadong indibidwal noong Linggo ang chemical tanker Central Park sa Gulf of Aden ayon sa kumpanya ng barko at US defense official.

Ang Central Park, isang maliit na chemical tanker (19,998 metric tons), ay pinangangasiwaan ng Zodiac Maritime Ltd, na London-headquartered international ship management company na pag-aari ng Israel’s Ofer family.

Bago ito, isa pang Israeli-linked cargo ship na may 17 Filipino crew ang basakop din ng rebeldeng grupong Houthi ng Yemen sa Red Sea noong nakaraang linggo.

Sinabi ng Houthi group na target ang mas marami pang Israeli vessel bilang tugon sa pag-atake ng Israel at pananakop ng Israel sa Gaza. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleSC naglatag ng rekisito sa pagdulog ng mga kaso sa hukuman
Next article4 durugista nabingwit sa Navotas drug bust