Ulat sa human rights abuses vs OFWs tumaas sa gitna ng pandemic – advocate

Ulat sa human rights abuses vs OFWs tumaas sa gitna ng pandemic – advocate

May 22, 2020 @ 6:55 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Mayroong pagtaas sa mga ulat ng pang-aabuso sa karapatang pantao ng overseas Filipino workers mula nang magsimula ang pandemic, ayon sa isang advocate.

Inihayag ni Susan Ople, president at founder ng Blas Ople Policy Center, na nakatanggap ng pagtaas ng pakiusap para sa OFW welfare assistance sa gitna ng coronavirus health crisis.

“Ople center has received a surge of requests for welfare assistance. Hindi po dahil may COVID, walang nabubugbog, walang nagagahasa, walang pinag sasamantalahan,” aniya.

Giit ni Ople sa mga mambabatas nitong Biyernes, nakatanggap ng 117 referrals para sa search ang rescue at repatriation service ang non-profit organization nito.

Tinutulungan nito ang distressed OFWs, at ipinangalan sa yumaong Senate President at Foreign Secretary Blas Ople.

Ani Susan, posibleng ibinubunton ng mga banyagang employer ang stress at anxiety ng mga ito sa kanilang mga Pinoy employee.

“Kung busy ang OWWA at ang DFA sa COVID, baka pwedeng POEA can have a facility that can be the repository of all these urgent human trafficking and extreme abuse cases,” mungkahi ng Ople sa mga mambabatas.

Sa ngayon, higit 9,100 OFWs ang nananatili sa mga hotel at sumasailalim sa self-quarantine.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Association (OWWA), pagkain at lodging expenses lamang ng mga OFW ang sinasagot ng ahensya.

Wala nang iba pang uri ng financial assistance para sa mga manggagawang Filipino, bukod na sa DOLE-AKAP program ng Labor department. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Loading...