Home METRO Ulat sa MMFF 2023 ticket sales, fake news! – MMDA

Ulat sa MMFF 2023 ticket sales, fake news! – MMDA

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na fake news ang kumakalat na ulat online patungkol sa ticket sales ng bawat MMFF entry.

Ayon sa MMDA, hindi pa naglalabas ng ranking ang MMFF o ang kabuuang halaga na kinita ng bawat pelikula upang hindi makaapekto sa desisyon ng mga manonood.

Idinagdag pa ng pamunuan ng MMFF na layon nilang magbigay ng pantay-pantay na exposure, spotlight at suporta sa bawat pelikula.

Samantala, nagpasalamat naman ang MMDA sa lahat ng mga tumangkilik sa MMFF.

“Ang Metro Manila Film Festival (MMFF) ay labis na ikinatutuwa ang mainit na pagtangkilik ng publiko sa mga pelikulang kalahok sa film festival,” saad sa Facebook post ng ahensya.

“Nagpapatunay ito na ang bawat 10 film entry ay kahanga-hanga at tunay na de kalidad. Tunay na bumalik na ang sigla ng publiko sa panonood sa mga sinehan,” dagdag pa nito. RNT/JGC

Previous articleTourist boat sa Mindoro nasiraan, 8 indibidwal nasagip
Next articleParasite actor Lee Sun-kyun, natagpuang patay sa loob ng sasakyan