MANILA, Philippines – May kabuuang 9,806 na sibilyan, kabilang ang 560 bata, ang napatay bilang resulta ng digmaang Russia-Ukraine, ayon sa United Nations.
Na-verify din ng Office of the High Commissioner for Human Rights (OHCHR) ang 17,962 sibilyan na nasugatan, kabilang ang 1,196 na bata, ani Rosemary DiCarlo, UN Under-Secretary-General for Political and Peacebuilding Affairs, sa sesyon ng UN Security Council sa Ukraine.
“The actual figures are very likely considerably higher and, tragically, will continue to rise if current patterns continue,” aniya pa.
“Combined with Russia’s withdrawal from the Black Sea Initiative, such attacks not only destroy the livelihoods of Ukrainian farmers but also risk impacting the lives of millions of food insecure people around the world,” dagdag pa niya.
Ang UN ay “nababahala” din tungkol sa mga panibagong pag-atake laban sa imprastraktura ng enerhiya ng Ukraine nitong mga nakaraang linggo, ayon kay DiCarlo. RNT