GENEVA, Switzerland- Posible pa rin ang “end of AIDS” sa 2030, giit ng United Nations nitong Huwebes, subalit sinabing mawawakasan lamang ang “world’s deadliest pandemic” kapag sinunggaban ng mga pinuno ang oportunidad.
“AIDS can be ended by 2030,” anang UNAIDS agency sa pag-outline nito ng roadmap of investment, evidence-based prevention and treatment at pagtalakay sa inequalities na humahadlang sa pag-usad.
Sinabi ng UNAIDS na ang pagwawakas sa pandemya ay isang “political and financial choice” “Success is possible — in this decade,” ani executive director Winnie Byanyima.
Unang ikinasa ng UN noong 2015 ang target na tuldukan ang AIDS bilang public health threat sa 2030.
Inihayag ni Byanyima na ang “greatest progress” sa HIV– ang virus na nagdudulot ng AIDS– ay ginagawa ng mga bansa at rehiton na maigting na nag-iinvest.
Binanggit niya ang eastern at southern Africa, kung saan bumaba ang bagong HIV infections ng 57 porsyento mula 2010.
Nakamit na ng Botswana, Eswatini, Rwanda, Tanzania at Zimbabwe ang tinatawag na 95-95-95 targets.
Nangangahulugan ito na 95 porsyento ng mga nabubuhay nang may HIV ay alam ang kanilang estado; 95 porsyento ng mga alam na mayroon silang HIV ay sumasailalim sa life-saving anti-retroviral treatment; at 95 porsyento ng mga ginagamot ay nakakamit ang viral suppressed.
Hindi bababa sa 16 pang bansa ang malapit nang maabot ang target.
Kabilang dito ang walong sub-Saharan Africa– ang rehiyon kung saan 65 porsyento ng HIV-positive people ay naninirahan– at Denmark, Kuwait at Thailand. RNT/SA