Home NATIONWIDE UN diplomats nagpahayag ng suporta sa Ukraine

UN diplomats nagpahayag ng suporta sa Ukraine

UNITED NATIONS – Nagpahayag ng suporta sa Ukraine ang mga diplomat na nagtipon-tipon sa headquarters ng United Nations nitong Biyernes, Pebrero 23.

Ito ay kasabay ng ikalawang taong anibersaryo ng pananakop ng Russia sa nasabing bansa.

“The world must not look away,” ayon kay Britain’s Foreign Minister, David Cameron.

Nagpasalamat naman si Ukraine Foreign Minister, Dmytro Kuleba, sa global leaders sa paninindigan para sa Ukraine.

“We are strong. We are united. We are resolved and we will deliver,” aniya.

Sa nabanggit na araw, nagtipon-tipon ang 193-member General Assembly para gunitain ang ikalawang anibersaryo ng pananakop ng Russia sa Ukraine.

Kasalukuyang nangangalap ng suporta ang Ukraine para sa 10-point peace plan ni President Volodymyr Zelenskiy kasabay ng mga senyales ng war fatigue.

Sakop sa peace plan ni Zelenskiy ay ang restoration ng territorial integrity ng Ukraine, pag-alis ng lahat ng Russian troops, proteksyon ng suplay ng pagkain at enerhiya, nuclear safety, at pagpapakawala sa lahat ng prisoners of war. RNT/JGC

Previous articleMga opisyal ng Philippine Navy bumisita sa mga tropa sa Kalayaan Island
Next articleOpensiba vs IS gunmen sa Lanao mas tumitindi