Prison inmates gather in cramped conditions in Manila's Quezon City Jail. Guards and inmates at the notoriously overcrowded Philippine jail tested positive for the COVID-19 coronavirus, officials said last month, sparking urgent calls for the release of some prisoners.
MANILA, Philippines – Nakiisa ang Pilipinas sa grupo ng mga bansa na naghayag ng suporta para sa Nelson Mandela Rules, ang minimum standards ng United Nations para sa pagtrato sa mga preso.
Base sa Group of Friends ng Nelson Mandela Rules, inihayag ng Pilipinas ang suporta sa pulong nitong Lunes sa Vienna sa ika-32 sesyon ng Commission on Crime Prevention and Criminal Justice ng United Nations Office on Drugs and Crime.
Sa nasabing meeting, iprinisenta ni Philippine Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang reform agenda ng bansa sa criminal justice system. Tinalakay din niya ang mga hamon sa bansa gaya ng budget limitations at koordinasyon ng government agencie.
Samantala, inilatag din ni Remulla ang mga inisyatiba gaya ng regionalization ng prison facilities, pagtatatag ng hiwalay na pasilidad para sa iba’t ibang kategorya, pagpapalaya sa mga presyo, at pagtitiyak ng epektibong legal representation.
“We are aware that this reform agenda will only succeed if we, policymakers, have a sincere and objective recognition of its defects; and we have. That is why we have been taking steps to address these deficiencies the best way we can,” aniya.
Base sa grupo, dinaluhan ang pulong ng mga kinatawan mula sa Germany, South Africa, Thailand, at UNODC Crime Prevention and Criminal Justice Section. RNT/SA