Home NATIONWIDE UN special rapporteur nakipagpulong sa CHR sa PH press freedom

UN special rapporteur nakipagpulong sa CHR sa PH press freedom

MANILA, Philippines – NAKIPAGPULONG si United Nations Special Rapporteur Irene Khan sa mga opisyal ng Commission on Human Rights (CHR) para makakuha ng kaalaman at pananaw hinggil sa freedom of the press at batas ng Pilipinas kaugnay sa rights to expression ng mga Pilipino.

Sa isang kalatas, sinasabi na bahagi ng opisyal na pagbisita ni Khan sa bansa ay i-identify ang mga oportunidad at mga hamon na may kinalaman sa freedom of opinion at expression sa bansa na gagamitin sa paglikha ng rekumendasyon na tutugon sa puwang o butas na kanyang naobserbahan.

Nakipagpulong si Khan sa mga opisyal ng CHR, araw ng Martes.

Ang CHR ay isa sa mga government institutions na binisita ni Special Rapporteur upang i- assess ang kasalukuyang kalagayan ng pagsunod ng Pilipinas sa human rights obligations nito partikular na iyong nakapalibot sa konteksto ng freedom of opinion at expression.

Nakibahagi naman ang mga kinatawan mula sa civil society organizations at pribadong kompanya sa hiwalay na pakikipag-ugnayan kay Khan na inayos ng Office of the High Commissioner for Human Rights, bukod pa sa pagbisita nito sa field sa Baguio at Cebu.

Sinuri ring mabuti ni Khan ang mga batas na may kinalaman sa “access to digital communications” at Kung paano ang lahat ng Ito ay makaaapekto sa iba’t ibang sektor kabilang na ang marginalized.

“The findings of the Special Rapporteur based on her meeting with the CHR will be part of her final report, which will be presented during the 59th Session of the UN Human Rights Council in June 2025,” ayon pa rin sa kalatas.

Idagdag pa na ang preliminary observations ni Khan at implementasyon ng kanyang rekumendasyon ay talakayin kasama ang Philippine government sa huling araw ng pagbisita ni Khan sa vabsa.

Ibabahagi rin ni Khan ang kanyang mga nalalaman sa publiko sa pamamagitan ng isang press conference.

Dumating si Khan sa Pilipinas noong Enero 22, 2024, subalit ang kanyang official assignment ay nagsimula noong Enero 23, 2024, at magtatapos sa Pebrero 2, 2024. Kris Jose

Previous articleUtang ng Pinas pumalo sa P14.62T sa 2023
Next article“UNMODIFIED OPINION AUDIT” IGINAWAD SA DOLE, APAT NA MAGKAKASUNOD NA TAON