Home HOME BANNER STORY Unang araw ng COC filing generally peaceful – Comelec chief

Unang araw ng COC filing generally peaceful – Comelec chief

312
0

MANILA, Philippines – Payapa ang pagsisimula ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ayon kay Comelec Chairman George Garcia.

Sinabi ni Garcia na madaling araw pa lamang ay may nakapila na sa ibat-ibang lugar para maghain ng COC. Ibig sabihin lang aniya ay pinagkakatiwalaan nila ang proseso at sistema at buhay na buhay din ang demokrasya sa ating bansa dahil napakaraming nag-aambisyon na maging barangay official or SK officials.

“Hindi lang sa paglilibot yung report sa atin mula sa iba’t-ibang opisyal from the field, lalo na sa Mindanao naging napakamaayos itong unang ilang oras sa ating filing ng candidacy,” aniya pa.

Sinabi ni Garcia na hindi nila inaasahan ang malaking bilang ng COC filers sa unang araw ng filing period.

Upang mapunan ang humigit-kumulang 624,000 na posisyon para sa 2023 BSKE, sinabi ni Garcia na inaasahan nila ang humigit-kumulang 2 milyong COC filers sa loob ng panahon ng paghahain.

Inaasahan din ng Comelec na mas mainit ang BSKE elections ngayon dahil sa ilang beses na pagpapaliban ng halalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article85% ng higit 400 foreign vessels sa South China Sea, Tsino -Brawner
Next articleSpecial elections sa NegOr target sa Disyembre

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here