MANILA, Philippines- Pauuwiin ng pamahalaan ng Pilipinas ang unang batch ng mga Pilipino mula sa Israel sa October 16, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes.
Hindi bababa sa 22 sa mahigit 30,000 Pilipino na kasalukuyang nasa Israel ang naghayag ng intensyong umuwi sa Pilipinas kasunod ng pag-igting ng karahasan sa pagitan ng Israel at Palestinian militant group Hamas, base kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega.
“As for our kababayans in Israel, there are already some who have indicated that they want to go home – not because they were victimized by the war specifically but because indirectly, they lost a job or times are hard for them… for economic reasons therefore. Obviously aggravated by this conflict,” pahayag ni De Vega.
“The first batch at government’s expense will be leaving on October 16 – there are eight of them… And as they promised, once they arrived, they’ll be given the proper assistance, the usual reintegration and other assistance packages provided by the DMW and OWWA,” patuloy niya.
Nauna nang sinabi ng Philippine embassy sa Tel-Aviv na bukod sa mga lugar na malapit sa combat zone sa southern Israel, malaki na ang ibinuti ng sitwasyon sa Israel.
Tiniyak din ng DFA sa mga pauuwiin na makatatanggap sila ng reintegration at livelihood assistance mula sa gobyerno pag-uwi nila sa Pilipinas.
“The situation in Israel is not a big problem if it refers to the evacuation of nationals because the situation there is more stable and we’re ready to repatriate them and we don’t expect big numbers,” sabi ni De Vega.
Nasa tatlong Pilipino ang nasawi sa kaguluhan, habang nawawala ang tatlo pa.
Ani De Vega, inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kanyang ahensya at kaukulang Philippine embassies na hanapin ang mga nawawalang Pinoy.
Pinaslang ng Hamas gunmen ang 1,200 indibidwal sa Israel at hinostage ang 150 pa sa sorpresang pag-atake na inilunsad mula sa Gaza noong Sabado.
Gumanti ang Israel sa pagpapaulan ng air at artillery strikes sa Hamas targets sa Gaza sa loob ng anim na araw, na kumitil sa mahigit 1,400 indibidwal. RNT/SA