Home HOME BANNER STORY Unang batch ng Pinoy repats galing Gaza nakauwi na sa Pinas

Unang batch ng Pinoy repats galing Gaza nakauwi na sa Pinas

MANILA, Philippines- Nakauwi na sa Pilipinas nitong Biyernes ang unang batch ng mga Pilipino mula sa Gaza ayon sa ulat.

Dumating ang grupo, binubuo ng 34 Pilipino at isang Palestinian national, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ng alas-4:20 ng hapon sakay ng Qatar Airways flight QR932.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, kasama sila sa 40 Pilipino na tumawid sa Gaza-Egypt border nitong linggo.

Sinabi ni De Vega na anim na Pilipino ang nananatili sa Cairo, Egypt, kung saan tatlo sa kanila ang may asawang Egyptian citizens at tatlo naman ang buntis.

Makatatanggap ng tulong ang repatriates mula sa DFA, Overseas Workers Welfare Administration, at sa Department of Social Welfare and Development.

Samantala, inihayag ng DFA na 14 sa 56 Pilipino na nakatawid na sa Egypt eventually decided to stay and not proceed ang nagdesisyong manatili sa Cairo matapos hindi mabigyan ang kanilang asawang Palestinian ng security clearance.

“Our embassy officials are convincing these 14 not to remain behind in Gaza and to join the rest of the Filipinos who will leave in the next batch,” anang DFA.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na binubuo ang grupo ng 56 Pilipino na tumakas sa Gaza Strip patungong Egypt sa pamamagitan ng Rafah crossing.

Pupunta sana ang mga Pilipino sa Egyptian capital ng Cairo, kung saan naghihintay ang kanilang flights pabalik sa Pilipinas. RNT/SA

Previous articleEasterlies, Amihan magpapaulan sa ilang bahagi ng Pinas
Next articleNBI building sa Ermita nasunog!