MANILA, Philippines- Matagumpay na nailunsad ng Pilipinas ang unang high-powered hybrid rocket nito na may misyong mag-deploy ng Can Satellite (CanSat) sa atmosphere, base sa ulat nitong Martes.
Binuo ang TALA, 10 feet ang taas at may bigat na 15 kilo, ng mga estudyante at space technology researchers mula sa St. Cecilia’s College sa Cebu sa ilalim ng Young Innovators Program ng Philippine Council for Industry, Energy, and Emerging Technology Research and Development.
Base sa Philippine Space Agency (PhilSA), umarangkada ang TALA, dakong alas-11:57 ng umaga nitong Sabado, sa Crow Valley Gunnery Range sa Capas, Tarlac. Idineploy nito ang Can Satellite payload bago ikasa ang “fast descent” at gumamit ng main parachute para sa ligtas n a landing.
Advertisement
Advertisement