Home METRO Unang Indo-Pacific agri office pinasinayaan sa Manila

Unang Indo-Pacific agri office pinasinayaan sa Manila

MANILA, Philippines- Binuksan ng Canada ang “most ambitious program” nito sa Indo-Pacific, kung saan ang Pilipinas ang napiling headquarters para sa operasyon nito.

Pinangunahan ni Canadian Agriculture Minister Lawrence MacAulay nitong Miyerkules ang pagpapasinaya sa Indo-Pacific Agriculture and Agri-Food Office, na magsisilbing hub para sa pagpapahusay ng koneksyon sa pagitan ng Canadian stakeholders at regional partners sa agriculture industry.

Paliwanag ni Canadian Ambassador to the Philippines David Hartman, napili ng Ottawa ang Pilipinas dahil ang huli ay “the elbow or the knee” maging “connective tissue” ng buong Indo-Pacific.

“The physical geography that the Philippines occupies, connecting North Asia to South Asia through here in Southeast Asia, just makes eminent sense,” ani Hartman.

“So it’s the ideal conduit for us to be able to grow our footprint in the region,” dagdag niya.

Para sa susunod na limang taon, maglalaan ang Canada ng 32 million Canadian dollars para sa operasyon ng nasabing opisina. Bahagi ito ng 2.4 billion Canadian dollars na inilaan nito para sa Indo-Pacific Strategy.

Sa pag-export ng Canada ng kalahati ng pinoprodyus nito, kumpiyansa si MacAulay na ang Philippine office “will play a central role in growing export markets” para sa mga magsasaka at pagpapaigting ng kanilang kooperasyon sa rehiyon. RNT/SA

Previous articleGuinness World Record para sa paghahain ng mahigit 300 pork dishes target masungkit ng PH hog farmers
Next articleDILG magbibigay ng tig-P13M sa 75 LGUs para sa pagsasaayos ng water systems