Home NATIONWIDE Unang kaso ng H5-type bird flu naitala sa Japan, 40K ibon papatayin!

Unang kaso ng H5-type bird flu naitala sa Japan, 40K ibon papatayin!

JAPAN – Naitala ng Japan ang kauna-unahang nitong kaso ng “highly pathogenic” na H5-type bird flu sa isang poultry farm.

Ayon sa NHK nitong Sabado, Nobyembre 25, kinailangang patayin ng lokal na pamahalaan sa Saga prefecture ang nasa 40,000 ibon sa naturang farm.

Magpupulong sina Prime Minister Fumio Kishida at mga gabinete upang pag-usapan ang pamamaraan upang hindi kumalat ang virus.

Ilang taon nang kumakalat ang highly pathogenic avian influenza sa buong mundo dahilan ng pagkasawi ng milyon-milyong mga ibon.

Sa Japan lamang, naitala ang 17.7 million poultry birds na na-cull noong nakaraang taon. RNT/JGC

Previous articleCamarines Norte naka-red alert sa masamang panahon
Next article2 Chinese nationals, Pinay arestado sa prostitution den sa Pasay