Home Uncategorized Unang kaso ng nawalan ng pandinig sa paputok naitala ng DOH

Unang kaso ng nawalan ng pandinig sa paputok naitala ng DOH

Binalaan ng Department of Health ang publiko laban sa pagkawala ng pandinig dahil sa paputok kasunod ng unang kaso ng hearing impairment.

Ang pinakahuling datos mula sa fireworks-related injuries report ng DOH ay nagpakita na ang kaso ay isang 23-anyos na babae mula sa Central Luzon na nawalan ng pandinig matapos ang passive exposure sa “kwitis” o skyrocket.

Gayunman, walang istatistik na naibigay kaugnay sa mga kaso ng hearing damage mula sa pagdiriwang ng 2023 new year .

“Fireworks can lead to hearing loss. Firework explosions result in sound levels of 140-150 decibels (dB), which can lead to pain and ear injury after exposure,” ayon sa advisory ng DOH .

“For comparison, the sound of a normal conversation is around 60 dB; the sound of a motorcycle is 95 dB; sirens are at 120 dB. Loud noises above 120 dB can cause immediate harm to ears,” saad pa sa advisory .

Giit ng ahensya, mas mainam na manood ng firework display sa mga komyunidad mula sa ligtas na lugar.

Kapag hindi naman maiwasan ang pagkakalantad sa fireworks at malalakas na tunog, gumamit ng hearing protection tulad ng earplugs o earmuffs. ayon pa sa DOH.

Umabot na sa 96 ang kabuuang bilang ng mga nasugatan na may kinalaman sa paputok mula Disyembre 21 hanggang 29.

Hanggang alas-6 ng umaga nitong Biyernes, nakapagtala ang DOH ng walong bagong kaso ng paputok, mula 5 hanggang 49 taong gulang. Mga 88 porsiyento ng mga ito ay mga lalaki.

Anim sa mga bagong kaso ay dahil sa mga iligal na paputok, habang mas marami ang aktibong nasangkot o ginamit o sinindihan mismo ang mga paputok.

Kabilang sa mga ito ang unang kaso ng pagkawala ng pandinig dahil sa paputok ngayong taon.

Walang karagdagang ulat ng amputation o ingestion ang naiulat sa ngayon.

Tatlo sa bawat sampung kaso ay nagmumula sa National Capital Region (NCR) na mayroon nang 33 kaso o 34 porsiyento ng kabuuang tally.

Sumunod sa NCR ang Central Luzon na may 12 kaso o 12 porsiyento; Ilocos Region na may 12 o 12 percent; Soccsksargen na may 6 o 6 na porsyento; Bicol Region na may 5 o 5 porsiyento; at Kanlurang Visayas na may 5 o 5 porsyento.

Nangyari ang 96 percent sa bahay at sa mga lansangan, karamihan ay ng mga lalaking may aktibong pakikilahok.

Ang nangungunang natukoy na mga paputok na nagdudulot ng hindi bababa sa pito sa bawat sampu o 72 porsiyento ng kabuuang kaso ay Boga, 5-Star, Kwitis, Piccolo, Pla-Pla, Whistle Bomb, at Luces. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleMas mabilis na paghahatid ng National IDs ipinangako ng PSA
Next articleWorld population lumago ng 75M sa 2023