Home NATIONWIDE ‘Unconstitutionality’ ng 2005 oil exploration sa pagitan ng PH, China, Vietnam, pinagtibay...

‘Unconstitutionality’ ng 2005 oil exploration sa pagitan ng PH, China, Vietnam, pinagtibay ng SC  

MANILA, Philippines- Pinagtibay ng Supreme Court (SC) nitong Miyerkules ang desisyon nito na ideklarang unconstitutional ang 2005 agreement ng state-owned oil companies ng Pilipinas, China, at Vietnam upang galugarin ang mahigit 140,000-square-kilometer area ng South China Sea.

Sinabi ng SC Public Information Office (SCPIO) na naglabas ang tribunal ng resolusyon na bumabasura sa motion for reconsideration sa ruling with finality dahil sa “lack of merit,” at nanindigan na saklaw sa kasunduan ang pagsaliksik sa natural resources.

Noong Jan. 10, pinawalang-bisa ng SC en banc, sa botong 12-2-1, ang Gloria Macapagal Arroyo-led Tripartite Agreement of Joint Marine Seismic Undertaking (JMSU) sa pagitan ng China National Offshore Oil Corporation (CNOOC), Vietnam Oil and Gas Corporation (PETROVIETNAM), at Philippine National Oil Company (PNOC).

Iginiit ng SC na pinapayagan ng JMSU, na nag-lapse noong 2008, ang “wholly-owned foreign corporations to participate in the exploration of the country’s natural resources.”

Nanindigan ito na ilegal ang kasunduan dahil batay sa Konstitusyon, kailangang kontrolado ng state at namo-monitor nito ang lahat ng aktibidad sa proyekto at dapat na mayorya ng mga kompanya ay Philippine-owned.

Sa loob ng ilang dekada, ipinaglalaban ng China at ng Pilipinas ang soberanya at natural resources sa South China Sea, kung saan nanalo ang Manila sa isang historic arbitration decision noong 2016. RNT/SA

Previous articlePagpasok ng Pinas sa nuclear power, sinisilip ‘within the decade’ – DOE
Next articleMario Dumaual, namayapa na!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here