UNITED STATES – Itinuturing ang Pilipinas na ika-anim na top source ng undocumented (unauthorized) immigrants sa Estados Unidos, sa populasyong tinatayang nasa 309,000 noong 2021, ayon sa report ng Migration Policy Institute sa Washington, DC kamakailan.
Ang estimated unauthorized immigrant population sa US ay nasa 11.2 million noong 2021, mas mataas mula sa 11.0 million noong 2019 at mas mataas na annual growth rate mula 2015.
Naitala ang sampong pinakamalaking populasyon ng undocumented immigrants sa US mula sa mga bansang Mexico, Guatemala, El Salvador, Honduras, India, Venezuela, China, Colombia at Brazil. RNT/JGC