Home HOME BANNER STORY Unibersidad humingi ng paumanhin sa maling depiksyon ng BARMM sa Sinulog

Unibersidad humingi ng paumanhin sa maling depiksyon ng BARMM sa Sinulog

MANILA, Philippines – Humingi ng paumanhin ang Cebu Technological University (CTU) nitong Sabado, Enero 13, matapos na makatanggap na online backlash dahil sa paglalarawan ng kultura ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pagganap nito sa pagbubukas ng Sinulog Festival.

Sa pagbubukas ng salvo ng “Sinulog sa Sugbo Philippines 2024” nitong Biyernes, Enero 12, isang grupo mula sa unibersidad ang nagsuot ng tradisyonal na kasuotang Moro, kasama ang babaeng lead na nakadamit bilang isang Maranao princess habang bitbit niya ang imahen ng Santo Niño.

Ang pagtatanghal ay naka-livestreame sa Facebook page ng organizer ng festival na Sinulog Foundation Inc. Nag-viral ang mga larawan ng contingent, gayundin ang screen recording ng sayaw kung saan maraming netizens ang humihiling sa unibersidad na maging mas sensitibo sa kultura.

“We understand and deeply regret that elements of our performance may have been perceived as insensitive or disrespectful towards your culture and religion,” ayon sa pahayag ng CTU sa Muslim community. “We assure you that there was absolutely no intention to cause harm or offense, and we are truly sorry if any aspect of our presentation came across as such.”

“We value and respect the rich cultural and religious diversity of our community, including the significant contribution of the Muslim community to Cebu’s vibrant tapestry,” dagdag pa ng institusyon.

Samantala, sinita rin ni Basilan Rep. Mujiv Hataman ang nasabing pangyayari at sinabi na maraming mamamayan sa BARMM ang nababahala sa insidente dahil walang opisyal na makasaysayang salaysay tungkol sa mga taong Bangsamoro na nasa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Hataman na ang mga representasyon ng kultura ay “dapat na tumpak, lalo na kapag kinasasangkutan ng mga ito ang mga rehiyong may natatanging kasaysayan tulad ng Bangsamoro.”

“The inaccuracies in the performance, depicting a historical narrative that does not align with the true history of the Bangsamoro people, are truly regrettable,” ayon sa mambabatas.

“Cultural performances must be carefully researched, particularly when those executing them are not from the region they seek to represent,” aniya pa. RNT

Previous article463 Pinoy sa Israel napauwi na sa Pinas
Next articlePaayuda nagagamit kapalit ng lagda sa people’s initiative; DSWD mag-iimbestiga