Nagbabala ang UNICEF na bumaba ang pananaw o kumpyansa ng publiko sa kahalagahan ng mga bakuna para sa mga bata sa Pilipinas sa panahon ng pandemya ng COVID-19.
Ayon sa UNICEF, ang kumpiyansa sa mga bakuna sa pagkabata ay bumaba ng hanggang 25 porsiyento sa Pilipinas, kabilang sa pinakarurok na pagbaba mula sa dose-dosenang mga bansa.
Bagama’t ang pagbaba ng pananaw ay hindi nangangahulugang katumbas ng layunin o aktwal na paggamit ng bakuna,sinabi ni UNICEF Philippines, social and behavior change specialist Kathleen Solis na mahalaga talagang subaybayan dahil ang laganap at pangmatagalang mga isyu sa kumpiyansa sa pagbabakuna ay makahahadlang sa mga pagsisikap na mabakunahan ang mga bata.
Ayon sa UNICEF, tanging ang China,India at Mexico ang nagpakita ng positibong pagbabago sa kumpiyansa sa bakuna.
Base sa UNICEF latest global report, humigit-kumulang 67 milyong bata ang bahagyang o ganap na nakaligtaan ng mga nakagawiang bakuna sa buong mundo sa pagitan ng 2019 at 2021.
Sa 67 milyong mga bata , 48 milyon ang hindi nakatanggap ng mga regular na bakuna, na kilala rin bilang “zero-dose,” sabi ng UNICEF, na nagbabadya ng mga alalahanin tungkol sa mga potensyal na outbreak ng polio at tigdas
Sa Pilipinas, mayroong 1,048,000 bata na zero dose,pangalawa sa pinakamataas sa East Asia at Pacific Region at ang pinakalimang pinakamataas sa buong mundo.
Ang top 5 regions na may mas zero-dose na mga bata ay ang Calabarzon (146,160), Central Luzon (99,541), Western Visayas (96,774), Bicol (80,905) at Bangsamoro (75,671).
Advertisement