Home HOME BANNER STORY Unified regulation ng e-bikes, e-trikes sa NCR target ni Zamorra

Unified regulation ng e-bikes, e-trikes sa NCR target ni Zamorra

MANILA, Philippines – Target ni San Juan City Mayor at Metro Manila Council (MMC) President Francis Zamora ang isang pinag-isang regulasyon ng mga e-trike at e-bikes sa National Capital Region (NCR) kasunod ng paglobo ng bilang naturang sasakyan na ginagamit kahit sa mga pambansang kalsada kung saan sila ay pinagbabawal.

“Meron na pong proposal from the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic office and it would present to the members on Wednesday. Of course, I will be there to attend, together with my fellow mayors and Chairman (Romando) Artes. Papagusapan po natin ang mga proposal na ito at papakinggan din natin yung mga mungkahi ng ibang mga mayor at miyembro ng council and we can also have other stakeholders give suggestions,” ani Zamora sa isang interbyu.

“Nitong mga nakaraang taon ay nakita natin na dumarami ang mga e-vehicles sa kalye, hindi lamang e-trike or e-bikes but even the cars mismo. Nagkakaroon na ng shift to electric cars and yung mga current regulations po ng mga lungsod or even the national government may have to adapt to the changing time dahil nga padami na ng padami ang mga gamit nito,” dagdag pa niya.

Paliwanag ng alkalde, mahirap bantayan ang mga de-kuryenteng sasakyan, partikular ang mga e-bikes at e-trike, dahil hindi ito rehistrado. Kung sakaling magkaroon ng aksidente sa kalsada na kinasasangkutan ng mga sasakyang ito, napakahirap matukoy kung sino ang may kasalanan.

“We really have to regulate properly para siguraduhing yung mga sasakyan na ito ay talagang nakaregister. Kung sakaling may mabangga o may maaksidente, alam kung sino hahabulin, are they really authorized to be on the road, anong kalye ba sila pwedeng payagan, so yan Ang mga bagay po na papagusapan natin at ang sinisikap nating makamit dito ay magkaroon ng pinag-isang regulasyon sa buong Metro Manila,” giit ni Zamora.

“Halimbawa, yung motorsiklo dapat may lisensya yung nagmamaneho nyan, kailangan rehistrado yung motor, so ganun din (on e-bikes and e-trikes). If you allow people to use these e-trikes and e-bikes without any registration, without any registration. any driver’s license, tapos halimbawa, sila ay makabangga or makasagasa or huwag naman sana, makapatay, eh sinong hahabulin ninyo dyan,” dagdag pa niya.

“At the end of the day, we are looking after the safety of our people, the riding public, yung mga pedestrians natin. So kailangan talaga mapagusapan natin at magkaroon ng tamang regulation,” giit pa ng MMC president. RNT

Previous articlePCG: Floating barriers muling pinakalat ng Chinese Coast Guard sa WPS
Next articleTransfer fee ng BPI to GCash sisirit sa P10