Home NATIONWIDE Uniformed personnel na magsisinungaling sa Kongreso, ikulong ng 20 taon! – Padilla

Uniformed personnel na magsisinungaling sa Kongreso, ikulong ng 20 taon! – Padilla

MANILA, Philippines – Naghain ng panukala si Senador Robin Padilla na magpapataw ng 20 taong pagkakulong sa mga awtoridad na magsisinungaling sa congressional inquiries.

Sakop ng panukalang 20-year jail time ay ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Corrections (BuCor), National Mapping and Resource Information Agency (NAMRIA), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), iba pang law enforcement agencies, Bureau of Immigration (BI), Bureau of Internal Revenue (BIR), at Bureau of Customs (BOC).

Ito ay sa ilalim ng Senate Bill 2265 o ang proposed Truthful Congressional Inquiry Act, kung saan maliban sa 20-taong pagkakulong, kasama rin dito ang 10 years of imprisonment sa sinumang tauhan ng gobyerno na nagsisinungaling o nagbibigay ng fabricated evidence sa Kongreso partikular na sa mga krimen katulad ng rape (RA 7659); Title 7 (crimes committed by public officers) ng Act No. 3815; at paglabag sa Government Procurement Act; National Internal Revenue Code; Tariff and Customs Code; Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016; Anti-Graft and Corrupt Practices Act; Revised Corporation Code; Anti-Money Laundering Act of 2001; Dangerous Drugs Act of 2002; Anti-Trafficking in Persons Act of 2003; Anti-Terrorism Act of 2020; Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012; at Omnibus Election Code.

Pagmumultahin din ito ng P3 milyon at perpetual disqualification sa anumang pwesto sa pamahalaan.

Pinamamadali ni Padilla ang panukalang ito matapos na tumangging makipagtulungan sa Senado ang ilang pulis na sangkot sa kontrobersyal na P6.7 bilyon na shabu haul sa Maynila.

Kasabay ng sesyon ng Senado nitong Lunes, Mayo 29, ilang senador na ang nanawagan ng mas mahigpit na parusa laban sa perjury, katulad ng nangyari kung saan ilang suspek-witness na ang nagbawi ng kanilang testimonya sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at pagpapakulong kay dating senador Leila de Lima. RNT/JGC

Previous articleExtinction risk dulot ng AI, posible – expert
Next articleDigitalisasyon sa kolehiyo, isusulong ng CHED, DICT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here