Home HOME BANNER STORY UniTeam buo pa rin, “still vibrant, still working”- PBBM

UniTeam buo pa rin, “still vibrant, still working”- PBBM

“Still vibrant, still working!”

Ito ang tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos sa tanong kung ‘buhay’ pa ang UniTeam.

“Uniteam is not just one or two or three parties. It’s the unification of all the political forces to come together for the good of the country,” ayon kay Pangulong Marcos.

“It is still there, still vibrant, still working, and we will continue to work on that basis,” dagdag na wika nito.

Ang UniTeam Alliance ay isang electoral alliance na binuo para sa Halalan sa Pilipinas, 2022 na nabuo noong Nobyembre 29, 2021 sa ilalim ng mga lider na sina Bongbong Marcos at Sara Duterte-Cardio para sa Halalang pampanguluhan sa Pilipinas,

Sa gitna ng lumalalim na hidwaan sa pagitan ng dalawang pamilya, itinalaga pa rin ng Pangulo si VP Sara bilang caretaker ng Pilipinas habang siya ay nasa Vietnam para sa state visit.

Nito lamang nakaraang Sabado, nagpahayag ng kanyang suporta si VP Sara sa 8-point socioeconomic agenda ng administrasyong Marcos sa idinaos na Bagong Pilipinas kick-off rally sa Lungsod ng Maynila.

Ilang oras lamang ang lumipas ay dumalo naman si VP Sara sa isang prayer rally sa balwarte ng kanyang pamilya na Davao City.

Sa katunayan, napaulat na pinagbibitiw sa puwesto ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte si Pangulong Marcos.

Ikinumpara rin niya ang dating pamamahala ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasalukuyang administrasyon sa bansa.

Nitong linggo ay nagdaos ng anti-people’s initiative rally ang mga Duterte sa Davao City kung saan ginawa ni Baste ang hamon sa Pangulo. Kris Jose

Previous articlePekeng dentista kulong sa brace-palit-sex
Next articleMabigat na daloy ng trapiko sa Peb. 2-5 ibinabala ng DOTr