Home NATIONWIDE “Unless otherwise provided by law” mainam na solusyon sa economic provision sa...

“Unless otherwise provided by law” mainam na solusyon sa economic provision sa Konstitusyon – retired justice

MANILA, Philippines – Maaring mapaluwag ang limitasyon na itinakda sa saligang batas kung idadagdag ang mga salitang “unless otherwise provided by law”.

Ito ang inihayag ni retired Supreme Court Associate Justice Adolfo Azcuna Jr. sa kanyang pqgharap sa House Committee of the Whole na dumidinig sa Resolution of Both Houses (RBH) 7, na layon amiendahan ang ilang economic provisions ng 1987 Constitution.

Ipinaliwanag ni Azcuna na ang pagdaragdag ng naturang parirala (phrase) sa Charter ay para maaring mabago ang economic provisions sa pamamagitan ng legislation.

Sinabi ng retired justice na ito ang pinakamainam na solusyon upang mapaluwag ang mga nakalagay na restrictions sa 1987 Constitution.

Naniniwala si Azcuna na dapat nababagay sa panahon at pangyayari ang economic provisions at hindi nakapirmi lamang. Kinakailangan aniyang tumugon ito sa pabago bagong economic conditions.

Gayunman, sinabi ni Azcuna na dapat lamang idugtong ang mga salitang “unless otherwise provided by law” sa mga eksaktong lugar sa Constitution para hindi maapektuhan ang pinaka prinsipyo ng batas.

Iginiit ni Azcuna na ang dapat baguhin lamang ay ang porsyento na papayagan na foreign investments at hindi dapat palitan ang pinaka prinsipyo ng pundasyon ng saligang batas.

Magugunita na sa RBH 7, layunin nito na amiendahan ang Articles XII, XIV, at XVI ng1987 Constitution. Teresa Tavares

Previous articleMaliliit na negosyo saklolohan- Yamsuan
Next articleDibidendo ng MP2 savings tumaas sa 7.05%