Home NATIONWIDE Unprogrammed funds legal – solon

Unprogrammed funds legal – solon

MANILA, Philippines – Legal at nakalaan para sa emergency projects ang inilaang unprogrammed funds na kukunin mula sa surplus revenue ng gobyerno, ayon kay House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Partyist Rep Zaldy Co.

“Hindi yan obligasyon o kontrata. Hindi siya part ng NEP (national expenditure program), hindi siya part ng programmed funds. It is only a wish list na pag nagkaroon ng extra funds binibigyan natin ang ating pamahalaan para mas makatulong sa ating mga kababayan at tumaas ang economic growth natin,” paliwawanag ni Co.

Ang pahayag ni Co ay bilang reaksyon sa petisyon na inihgan ni Albay Rep Edcel Lagman sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa legalidad ng unprogrammed funds na nakapaloob sa 2024 national budget.

Aniya, ang ganitong klaseng pondo ay legal at pinahihintulutan, giit pa ni Co, ipinalalabas ng Department of Budget and Management at  Treasury ang nasabing pondo kung mayroon lamang extra revenue.

“Hindi siya bago sa system.Hindi po yan illegal. Ang gamit po niyan kapag may emergency like COVID, kinulang pa nga tayo. Gumastos po tayo ng 400 billion. Nag slash ng pondo sa NEP at may mga proyektong hindi natuloy, para lang matugunan ang bagong pangangailangan,” paliwanag pa nito.

Hindi lamang umano ngayong 2024 may ganitong unprogrammed funds kundi ginagawa na din ito sa mga dati pang national budget na nakalaan para sa mga emergency.

“Kelangan nating mag planning para pag may extra funds o extra revenue ay may paglalagyan. Kasi hindi trabaho ng ating government mag save ng pera ngunit kelangan nitong gamitin ang extra funds para ang ating ekonomiya ay magkaroon ng growth. Ang gusto natin ay double digit growth. Direct assistance sa ating mamamayan specially sa panahon ngayon medyo mataas ang inflation na kinokontrol natin. Naglalagay tayo ng pondo na just in case magkaroon ng extra revenue para po sa ating mga mamamayan,” giit pa nito.

Depensa pa ni Co, si Lagman na matagal nang kongresista ay batid ang ganitong unprogrammed fundssa national budget.

“Matagal nang meron nito nandito na yan kahit naging Chairman pa si Lagman sa Appropriations nung 2007 meron na yan even before him. Matagal na yang meron. Last 15 years sa bicameral conference committee… even last year — meron akong documents na pumirma siya kaya legal po yan ‘di illegal,” paglilinaw pa ni Co.

Samantala, bilang reaksyon sa report na nakakuha ng 51 billion na unprogrammed fund si Davao Rep Paolo Duterte noong 2023 national budget, sinabi ni Co na kanya na itong pinabeberipika subalit naniniwala syang maaaring may katotohanan ito.

“That is so much yan 51 billion. Wala pa akong hawak na dokumento pero pinapahanap ko na po ito. Mukhang 99% itong 51 billion mukhang totoo po yan. Sabagay, nung 18th Congress ay naririnig ko na yan na napakalaking pondo ang na-release sa south sa Mindanao, especially Davao” pagtatapos pa ni Co. Gail Mendoza

Previous articleTsina rumesbak sa sita ni Gibo: We will fight back
Next articleEmpoy, nambastos?