Home OPINION UNTI UNTING NALULUSAW

UNTI UNTING NALULUSAW

MAGANDA ang iniulat nitong si Major General Marion Sison, Commander of 3ID sa Capiz na matapos ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, ipinag-utos sa kanyang hukbo na mag-focus muli sa pagtugis sa mga komunistang-terorista ng CPP-NPA-NDF.

Mano kasi, agad kumilos ang kanyang mga sundalo para ituloy ang ‘counter-insurgency’ kasama ang Team 302nd Infantry Brigade, 15th Infantry Battalion, Team 303rd Infantry Brigade at 94th Infantry Battalion para linisin ang Negros Island mula sa mga rebelde.

Ang resulta – walong terroristang CPP-NPA ang na-neutralized at nakakumpiska ng sampung ‘high-powered firearms’, isang caliber.45 pistol at isang ‘home-made shotgun’.

Dalawa sa mga rebeldeng terorista ang napatay sa kani-kanilang enkwentro at napahina nito ang South West Front, Komiteng Rehiyon-Negros, Cebu, Bohol, Siquijor sa Sitio Cambaga, Barangay Yao-Yao sa Cauayan town.

Kasunod nito, dalawa naman ang sumuko pang mga rebelde sa 94th Infantry Battalion  matapos ang bakbakan sa siyam na NPA sa Barangay Buenavista ng Himamaylan City noong November 8, 2023, at apat pa ang sumuko naman sa 15IB.

Sa sampung high-powered firearms, dalawa ang nakuha sa Cauayan encounter. Ang pito ay sa sagupaan sa Himamaylan City, at ang isa ay sa pagsuko ng mga pesteng sa 15IB.

Kabilang dito ang apat na M14 rifles, tatlong M16 rifles, isang M653 rifle, isang M4 rifle at isang Garand.

Bakit ko naikukwento ito sa inyo? Ang mga nakumpiska na lamang ng mga nasabing armas ay talagang nakamamatay. Ginagamit sa mga kapwa nating Filipino na itinuturing ng CPP-NPA-NDF na ‘di nila kapanalig.

Ganito kasama ang CPP-NPA-NDF. Pumapatay ng kanilang mismong mga kababayan gamit ang matataas na kalibre ng baril. Tanga na lamang ang papanig sa kanila dahil sa mali na rin nilang idelohiya at paniniwala.

Alam n’yo ba kung bakit natunton ng ating mga sundalo ang mga walang pusong ito? Inginuso ng ating mga kababayan sa probinsiyang iyan, na sawang-sawa na sa kanilang pamemeste.

Wala na talagang pupuntahan ang mga komunistang-teroristang ‘yan. Kundi sila magsisisuko, sa libingan na punta ng mga iyan. Dahil ang dating admisnistrasyon at maging ang Marcos Administration ay determinado ng lusawin ang CPP-NPA-NDF.

Ang target nga ng pamahalaan, pagtapos ng kapaskuhang darating, ay darating din ang katapusan ng mga komunistang-terorista.

Previous articleBAGONG ‘TAHANAN’ NG CCPS REGALO NG MAG-AMANG MALAPITAN
Next articleMga pinalayang hostage ng Hamas sa Gaza, nadagdagan pa!