Home HOME BANNER STORY UP-DND accord tablado kay Gibo

UP-DND accord tablado kay Gibo

355
0

MANILA, Philippines – Tablado kay Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr. ang mga panawagang ibalik ang kasunduan sa pagitan ng University of the Philippines (UP) at Department of National Defense (DND).

Matatandaan na ang 1989 UP-DND accord ay unilateral na winakasan ng ahensya noong 2021. Sa nasabing kasunduan, nangangailangan ito ng paunang abiso bago makapasok at magsagawa ng mga operasyon ang mga pulis at militar sa mga kampus ng unibersidad ng estado.

“That has been a policy already done by my predecessor and I do not want to reverse the policy. But that does not mean to say that I am not mindful of the autonomy of the University of the Philippines,” ani Teodoro sa isang briefing sa Malacañang.

“I urge everybody to be respected of that without need of any MOA,” giit pa niya.

Tinuldukan na rin niya ang anomang plano na irebyu o irekonsidera ang nasabing kasunduan.

Ang bagong hepe ng depensa gayunpaman ay nananawagan sa lahat ng mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas na maging “maalalahanin ang balanse sa pagitan ng kalayaan sa pagpapahayag” at pagprotekta sa kapayapaan.

Kung maipapasa ang isang batas na nag-institutionalize sa kasunduan, sinabi niyang hindi niya ito susuportahan. Itinulak ni Senador Joel Villanueva na maging batas ang kasunduan.

“Kung isabatas yan ng ating mga mambabatas at pinirmahan ng presidente, susunod tayo pero hindi ko susuportahan kasi hindi lang naman UP eh. Bakit bukod tangi ang ating unibersidad? Nandyan din naman ang ibang unibersidad na public institutions din,” ani Teodoro.

“Hindi lang naman ang UP ang pinagre-recruitan ng mga insurgents, marami ring unibersidad. Nafo-focus lang ang UP dahil it is the most prominent university of the Philippines.” RNT

Previous articleSolon: Recruitment agency ng ‘wrongly terminated’ OFWs parushan!
Next articleSuspek sa ‘Bragas rape-slay’, patay; 1 dinukot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here