Home FOOD UP scientists nagbabala vs parasites sa hilaw na gulay, seafood

UP scientists nagbabala vs parasites sa hilaw na gulay, seafood

MANILA, Philippines- Hinikayat ng mga scientist mula sa University of the Philippines (UP) ang publiko na hugasan at iluto ang fresh produce at seafood bilang pag-iwas sa parasites.

Nadiskubre ng UP Diliman College of Science’s Institute of Biology (UPD-CS IB) ang Toxoplasma gondii (T. gondii) sa mga gulay at oysters na sinuri nila mula sa Central Luzon local markets. Kabilang dito ang mung bean sprouts, lettuce, cabbage, carrots, at cauliflower.

Napag-alaman ng researchers na sina Cielo Emar Paraoan, Ren Mark Villanueva, at Marie Christine Obusan na mayroong T. gondii, ang parasite na sanhi ng toxoplasmosis, ang anim sa 60 vegetable samples, o 10% ng kabuuan.

Para sa oysters, naobserbahan nila na 9.09% o apat sa 44 samples ang kontaminado.

Anang mga eksperto, isa ang T. gondii is sa “most contagious parasites in the world”—na nakaaapekto sa halos ikatlong bahagi ng populasyon, lalo na sa vulnerable individuals tulad ng mga immunocompromised at buntis.

Bagama’t karamihan sa mga nasasapul nito ay hindi nagpapakita ng anumang sintomas, maaaring makaranas ng ilang flu-like symptoms tulad ng lagnat, sakit ng ulo, at muscle pains. Subalit, maaari rin itong magresulta sa brain inflammation at blurred vision, base sa UP scientists.

“Fortunately, treatments are available for toxoplasmosis, hence symptomatic individuals are advised to seek timely medical attention,” anila.

“The most sustainable approach for reducing the risk of T. gondii exposure through the consumption of seafood should focus on reducing T. gondii contamination at its source, as well as mitigating the flow of contaminated runoff to water bodies,” ayon sa mga may akda sa inilathalang artikulo sa October 2023 issue ng Philippine Journal of Science. RNT/SA

Previous articlePCG nakipag-ugnayan sa Tsina sa OccMin maritime incident
Next articleTINGNAN: MPRD rumesponde sa kahina-hinalang package sa labas ng Manila Cathedral