MANILA, Philippines- Libo-libong estudyante ang nagtungo sa University of the Philippines-Diliman nitong Linggo para sa ikalawang araw ng UP College Admission Test (UPCAT).
Sinabi naman ni Office of Admissions Director Francisco De Los Reyes na matagumpay ang pagsusulit sa taong ito dahil sa malaking turnout sa Diliman campus at iba pang testing centers sa buong bansa.
“Ang dami talagang nagwalk-in. Hindi mo rin masisisi e kasi online ang application. Marami pa ring bahagi ng Pilipinas, hindi pa gano’n ka-stable ang internet connectivity para mag-log in sa portal namin and we recognize that,” aniya.
“Sa Siargao, talagang late na late dumating ‘yung maraming mga mag-aaral. Valid naman ‘yung reason kasi sa ating mga probinsya talagang malalayo ‘yung mga high schools natin at may mga mag-aaral na wala namang titirhan sa city. So nagdecide kami na mag-open ng next session para ma-accommodate ang mga batang ito,” dagdag ng opisyal.
Sinabi ng Admissions Office na target ilabas ang UPCAT results sa May 3, 2024. RNT/SA