Home NATIONWIDE UPCAT 2025 itinakda sa August 10 ‘gang 11

UPCAT 2025 itinakda sa August 10 ‘gang 11

MANILA, Philippines – Itinakda sa Agosto 10 hanggang 11, 2024 ang susunod na University of the Philippines College Admission Test (UPCAT), inanunsyo ng Office of Admissions ng UP System nitong Lunes, Pebrero 26.

Maaari nang magfill-out ng application (Form 1) para sa UPCAT online simula Abril 15.

Pinaalalahanan din ang mga aplikante na bisitahing muli ang portal ng UPCAT sa Agosto para ilagay ang kanilang mga grado sa Form 2B.

Ipapasa naman sa UP Office of Admissions sa UP Diliman sa Quezon City ang hard copy ng kanilang SF-10.

Mayroong apat na subtests ang UPCAT, ito ay ang language proficiency (in English and Filipino), reading comprehension (in English and Filipino), science, at mathematics.

Ang makapapasa sa pagsusulit ay tatanggapin bilang first year college students sa unang semester ng school year 2025-2026.

Noong 2023 ay ibinalik ang UPCAT matapos itong mahinto ng tatlong taon dahil sa COVID-19 pandemic. RNT/JGC

Previous articleObrero kinatay ng katrabaho
Next article2 suspek arestado sa nasabat na Narra