Home HOME BANNER STORY UPDATE: 3 patay, 8 sugatan sa karahasan sa BARMM sa BSKE

UPDATE: 3 patay, 8 sugatan sa karahasan sa BARMM sa BSKE

MANILA, Philippines – Umabot sa walong katao ang nasawi at walo iba pa ang sugatan sa magkakahiwalay na insidente ng karahasan na may kinalaman sa barangay at sangguniang kabataan elections (BSKE 2023) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa panayam, sinabi ni BARMM chief Police Brigadier General Allan Cruz Nobleza na mayroong apat na naitalang shooting incident, isang isang pananakit at komosyon sa eleksyon.

Ani Nobleza, tatlong katao ang nasawi dahil sa pamamaril, apat ang nasaktan dahil sa “mauling” at apat iba pa ang nasaktan sa nangyaring komosyon.

Ang dalawa sa mga nasawi ay mula sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte kung saan tatlo ang nasaktan rito.

Natukoy na ang apat na suspek na sangkot sa pamamaril.

Sa Maguindanao del Sur naman, sinabi ni Nobleza na isang shooting incident din ang nangyari sa lugar na dahilan ng pagkasawi ng hindi pa tukoy na indibidwal.

Samantala, binaril ng katunggali na kapatid ng asawa, ang reelectionist barangay chairwoman sa Barangay Butig, Lanao del Sur.

Sa Tuburan, Basilan naman, anim na indibidwal ang sugatan kabilang ang barangay chairman candidate sa nangyaring karahasan sa nasabing lugar.

May mga insidente rin ng komosyon na naitala sa pagitan ng mga supporter ng mga kandidato, ani Nobleza. RNT/JGC

Previous articleP1K buwanang hazard pay sa barangay tanod, ikinasa sa Senado
Next articleQC itinanghal na most business-friendly city ng PCCI