Home HOME BANNER STORY UPDATE: Patay sa Syria-Turkey quake, 8,700 na

UPDATE: Patay sa Syria-Turkey quake, 8,700 na

122
0

TURKEY – Umakyat pa sa mahigit 8,700 ang bilang ng mga nasawi dahil sa magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria nitong Lunes, Pebrero 6.

Kasabay ng puspusang pagsagip ng mga rescuers sa mga biktima na natabunan ng mga gumuhong gusali, sinabayan pa ng malamig na panahon ang hirap na dinaranas ng mga apektadong residente doon.

Sa nasabing bilang, nasa 6,234 na ang death toll sa Turkey at patuloy pang tumataas.

Mahigit 2,500 naman ang naitala sa Syria sa nakalipas na magdamag.

Nagdeklara na si Turkish President Tayyip Erdogan ng state of emergency sa 10 probinsya.

Ayon sa mga awtoridad, nasa 13.5 milyon katao ang apektado ng lindol sa 450 kilometro na lupain mula Adana sa kanluran at Diyarbakir sa silangan. RNT/JGC

Previous articleHigit 30M SIM naiparehistro na – DICT
Next articlePamahalaan, palaging nakahanda sa malakas na lindol – OCD