Home HOME BANNER STORY UPDATE: Terminal sa Batangas hinagisan ng granada

UPDATE: Terminal sa Batangas hinagisan ng granada

283
0

MANILA, Philippines – NAGTAMO ng minor damage ang siyam na bus matapos na hagisan ng granada ang Magnificat Transport Terminal ng hindi nakikilalang salarin kaninang madaling araw sa Barangay Bugaan East, Laurel, Batangas.

Base sa report ni PCol Samson B. Belmonte Provincial Director ng Batangas PPO Kay PBGen. Carlito M. Gaces Regional Director ng PRO4 Calabarzon, dakong alas-3:50 ng kaninang madaling araw habang nagpapahinga ang guwardya ng nasabing terminal na si Albert Serrano sa loob ng isa sa mga bus na nakaparada nang bigla umanong makarinig ng malakas na pagsabog mula sa loob ng Magnificat Transport Terminal.

Napag-alaman na mabilis na tinungo ni Serrano ang pinagmulan ng pagsabog at nakita umano nito na basag na ang mga salamin ng mga nakaparadang bus na mabilis na ipinabigay-alam sa himpilan ng pulisya na mabilis naman nagresponde sa naturang lugar.

Nabatid sa ulat na nagtamo ng minor damage ang siyam na nasabing mga bus kung saan walang naiulat na nasawi o sugatan sa naganap na pagsabog.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon at nakikipag-ugnayan ang Laurel Police Station sa may-ari ng Magnificat Transport Terminal para sa agarang ikadarakip ng hindi nakikilang suspek na responsable sa paghagis ng granada. Ellen Apostol

Previous articleMalabang, Lanao isasailalim sa Comelec control
Next articleIna patay sa selos ng kinakasama

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here