Home METRO UPDATED: 3 todas sa barilan sa Bulacan

UPDATED: 3 todas sa barilan sa Bulacan

Bulacan – Patay ang tanod habang bumulugta rin ang dalawang lalaking bumaril dito matapos makipagpalitan ng putok sa mga rumespondeng pulis sa lungsod ng Meycauayan.

Kinilala ng pulisya ang napatay na suspek na si Ballares Jerome Almorasa ng Caloocan City at isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Sa report ng Meycauayan police station, nangyari ang insidente ng pamamaril pasado alas-8:00 ng gabi nitong Enero 20 sa Sitio 2 Brgy. Bahay Pare Hall ng lungsod.

Ayon sa report, isang tawag mula sa Brgy. Bahay Pare ang kanilang natanggap na nagsabing may insidente ng pamamaril sa kaya agad silang rumesponde sa lugar

Nang makarating sila sa lugar ay namataan nila ang dalawang suspek na patuloy na namamaril sa direksyon ng barangay hall hanggang pati sila ay paputukan na rin.

Dahil dito, ginantihan ng mga pulis ang dalawang namaril at nang humupa ang mga putok ay bumulagta ang mga ito na may kapwa katabing caliber 45.

Agad na isinugod ng mga awtoridad ang biktimang tanod na si Rodolfo Santiago para sa paunang lunas subalit namatay din ito kalaunan.

Sinasabing isang biktima pa na nagngangalang Marvin James Rivera ang napaulat na itinakbo rin sa pinakamalapit na ospital para sa paunang lunas na umanoy nasa conscious condition.

Wala naman napaulat na casualties o nasugatan sa panig ng mga pulis na patuloy ang imbestigasyon at inaalam ang motibo ng pamamaril. Dick Mirasol III

Previous articleGenCom na responsable sa Panay blackout, papanagutin ng Senado
Next articleState-of-the-art medical waste treatment plant pinasinayaan ng DOH sa Ilocos